-- Advertisements --
Nalusutan ng Rain or Shine Elasto Painters ang Talk N Txt 112-109 sa nagpapatuloy na PBA Season 50 Commissioner’s Cup.
Naging susi sa panalo ng Rain or Shine si Adrian Nocum kung saan naipasok nito ang kaniiyang three-point para maselyuhan ang laro.
Naging mainitan ang laban matapos nagkagirian sina Jaylen Johnson ng Rain or Shine at Glenn Khobuntin ng Talk N TXT.
Dahil sa kaguluhan ay pinalabas sa playing court ang dalawa.
Nanguna sa panalo ng Rain or Shine si Johnson na nagtala ng 33 points, siyam na rebounds at tatlong steals habang mayroong 20 points si Nocum.
Nasayang naman ang nagawang 38 points ni Bol Bol at 19 points naman ni Calvin Oftana.















