Handa na ang railway sector at operators ng iba’t ibang public utility vehicles (PUVs) sa Metro Manila at kalapit na mga lugar para sa pagbabalik ng kanilang biyahe bukas, Agosto 19.
Simula kasi bukas ay balik na sa general community quarantine (GCQ) status ang Metro Manila pati na rin ang mga kalapit na lugar nito.
Samantala, ang Light Rail Transit Line 1 (LRT1), ay nagsabing handa silang mag-dispatch ng 24 train sets sa peak hours sa umaga tuwing weekdays.
Aabot naman sa 18 tren ang kanilang ilalabas tuwing off-peak hours, at 24 sets tuwing peak hours sa hapon.
Ang LRT Line 2 naman ay magde-deploy ng limang train sets kada araw, ayon sa DOTR.
Para sa Philippine National Railways (PNR), 10 train sets kada araw ang kanilang ilalabas.
Samantala, sinabi naman ng LTFRB na 4,498 units sa 60 routes ang kanilang pinayagan na makabalik sa operasyon.