-- Advertisements --

Tuluyan nang nakalabas sa Philippine area of responsibility (PAR) ang typhoon Quinta.

Ayon sa ulat ng Pagasa, patuloy pa rin ang paglakas ng bagyo sa mga nakalipas na oras.

Huli itong namataan sa layong 255 km sa hilagang bahagi ng Pagasa Island, Palawan.

Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 20 kph.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 150 kph at may pagbugsong 185 kph.

Sa kabila ng paglayo ng typhoon Quinta, nananatili pa rin ang tropical cyclone wind signal number one sa Kalayaan Islands, Palawan.