-- Advertisements --

Kinansela ng Quezon City Government ang lahat ng pasok sa eskuwela sa Hulyo 24, 2023.

Kasabay ito ng ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na kaniyang napirmahan na ang Executive Order 23 para sa kanselasyon ng klase sa nasabing araw.

Nakasaad sa nasabing executive order na lahat ng antas ay walang pasok para magbigay daan sa ikalawang SONA ni Pangulong Marcos.