-- Advertisements --

Kinilala ng Philippine Postal Corporation (PhilPost) ang yumaong Queen of Philippine Movies na si Susan Roces bilang “Living Legend-Outstanding Filipino”.

Tinanggap ni Senator Grace Poe ang naturang parangal mula sa PHLPOst bilang pagkilala sa kontribusyon ng kaniyang ina sa mundo ng pelikula at telebisyon.

Nauna na ring kinilala ng PhilPost ang yumaong beteranang aktres na si Susan Roces kasama ang siyam na iba pang outstanding Filipinos na nagsilbing inspirasyon sa larangan ng teatro at visual arts, science and technology, at sports.

Sa isang social media post ibinahagi ni Senator Poe ang larawan ng kaniyang pagtanggap sa portrait at nagpasalamat sa naturang parangal para sa kaniyang ina.

Samantala, patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga nakikiramay na mga kaibigan, kamag-anak at supporters ng yumaong aktres sa heritage Memorial Park sa Taguig City.

Ang mausoleum ng pamilya Poe sa Manila North Cemetery ay inihahanda na para sa interment ng labi ni Roces ngayong Huwebes o May 26.