Inihalal ng mga botante sa Quebec ang Parti Quebecois (PQ) sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng mahigit isang dekada, na nagbabadya ng mas matinding tensyon sa gobyerno ni Prime Minister Mark Carney at ng posibleng referendum para sa kalayaan ng probinsya mula sa Canada.
Ang pinuno ng PQ na si Paul St-Pierre Plamondon ang nakatakdang maging bagong premier ng nasabing lalawigan matapos manguna ang kaniyang partido sa nakaraang halalan.
Nangako si St-Pierre Plamondon na magsasagawa ng ikatlong referendum ukol sa pagkalas o secession sa loob ng kaniyang apat na taong termino, ngunit linaw niya na mangyayari lamang ito pagbaba sa pwesto ni U.S. President Donald Trump.
Sa kabila ng banta ng hiwalayan at ng pagtaas ng peligro sa ekonomiya at pamumuhunan, ipinapakita ng mga survey na humigit-kumulang 70 porsiyento ng mga mamamayan sa Quebec ang tutol pa rin sa independence sa gitna ng nagpapatuloy na trade war sa Estados Unidos.
Kasama rin sa mga paunang plano ng bagong premier sa kaniyang unang 100 araw sa pwesto ang pagbawas sa mga opisyal ng gobyerno, pagbaba ng buwis sa gasolina at negosyo, at pagpapatupad ng mas mahigpit na limitasyon sa imigrasyon.
Ang makasaysayang tagumpay ng separatistang partido ay ibinunga ng tuluyang pagbagsak ng popularidad ng kasalukuyang namumuno na Coalition Avenir Quebec dahil sa mga kabiguan sa ekonomiya at pampublikong serbisyo.














