Dinagdagan pa ng lokal na pamahalaan ng Bacoor City ang pagkakaroon ng mga quarantine at isolation facilities sa lungsod para makaiwas sa local transmission at family contamination na dulot ng COVID-19.
Ang hakbang na ito ay dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng nakamamatay na virus sa Lungsod ng Bacoor.
Narito ang listahan ng mga isolation at quarantine facilities sa Lungsod ng Bacoor:
- SOGO – para sa mga healthcare workers.
- Golden Oasys Hotel, One Seranata Hotel, Marina Hotel – para sa mga OFW na taga-Bacoor na kinakailangan sumailalim sa 14-day quarantine.
- Princess Inn – para sa mga COVID-19 patients na kinakailangan munang sumailalim sa isolation bago pauwiin ng kanilang mga tahanan.
- Aliw Inn- para sa mga suspect and probable patients.
- Southern Tagalog Regional Hospital – kung saan kasalukuyang nagdadagdag ng halos 50 bed capacity rooms at 20 container rooms. Sa STRH dinadala ang mga milde to moderate at asymptomatic COVID-19 patients.
- Southeast Asian Medical Center
- South City Medical Center
- St. Dominic Hospital
- Metro South Medical Center
Inihahanda naman ang Cvite Mayor’s League Building para sa Bacoor City Covid Testing Center katuwang ang DOH-4A.
Ayon kay Bacoor Mayor Lani Revilla, pinagsisikapan umano nito ang kaagad na pag-alis sa mga Bacooreno na may sintomas pa lang ng sakit lalo na ang mga suspected at probable patients.
Sa kasalukuyan ay mayroon ng 77 kaso ng COVID-19 sa Bacoor habang 10 naman ang pumanaw na.
Samantala, namigay naman ng halos 2,000 sako ng bigas sina Sen. Bong Revilla at Vice Gov. Jolo Revilla sa 22 bayan at syudad sa Cavite. Parte ito ng Kaagapay sa Araw ng Pangangailangan (KAP) Program ni Sen. Revilla.