-- Advertisements --
Naglabas na ng public apology ang Quezon City Police District (QCPD) sa pamilya ng singer na si Janno Gibbs dahil sa pagkalat ng video ng namayapang ama na si Ronaldo Valdez.
Sinabi ni QCPD Director Police Brigadier General Redrico Maranan, na taos-puso ang kanilang paghingi ng paumanhin sa pamilya ng namayapang actor.
Labis aniya na sakit at kahihiyan ang naidulot sa kanilang hanay lalo na at sangkot ang isa nilang miyembro sa pagpapakalat ng video.
Magugunitang hinikayat ng singer ang kapulisan na mag-public apology dahil sa paglabas ng video na nagpapakita sa bangkay ng namayapang ama.