-- Advertisements --

Magtatakda ng vaccination sites ang local government ng Quezon City na para lamang sa mga indibidwal na pasok sa ilalim ng A2 at A3 categories para matiyak na makakatanggap pa rin sila ng COVID-19 vaccine o mabakunahan on time ng kanilang second dose.

Pagtitiyak ito ni Mayor Joy Belmonte sa harap nang pangamba ng ilan na baka kulangin ang supply ng bakuna ng lungsod ngayon mas maraming tao na ang qualified sa inoculation program matapos na payagan na ang pagbabakuna sa A4 category o ang mga tinuturing na economic frontliners.

Sa ngayon, sinabi ni Belmonte na one-third na ng 300,000 senior citizens sa lungsod ang kanilang nababakunahan kontra COVID-19.

Marami rin aniya sa mga napapabilang sa A3 category naman ang hindi pa nababakunahan pa sa ngayon.

Ayon kay Belmonte, sa ngayon ay sapat pa ang kanilang supply ng bakuna para sa mga senior citizens at iyong mayroong comorbdity.

Sa katunayan ay magbibigay pa nga sila ng incentives sa mga barangay na makakapagpabakuna sa lahat ng kanilang mga residente na pasok sa dalawang priority groups.