-- Advertisements --

Nabiigyan na ng tulong ng pribadong kontratista ang mga construction workers na nasawi at nasugatan sa giangawang housing project sa Barangay Balingasa, Quezon City nitong Martes ng umaga.

Sa nasabing insidente kasi ay nasawi ang isang construction worker at marami ang nasugatan ng gumuho ang ginagawa nilang proyekto.

Nakalabas na rin ang ibang sugatan sa Quezon City General Hospital habang ang limang iba pa ay nananatili doon.

Nagsagawa na rin ng inspeksyon ang City Architect and Infrastructure Committee ng pamahalaang lungsod at patuloy na iniimbestigahan ang insidente.