Ibinahagi ng opisyal ng Qatar kung paano niya napapayag na magkasundo ng pagkakaroon ng ilang araw na tigil putukan sa pagitan ng Israel at Hamas.
Ayon kay Mohammed bin Abdulaziz Al-Khulaifi, ang Qatari minister of state for foreign affairs, na naging matindi ang ginawa nilang trabaho para sa magkaroon ng kasunduan.
Hindi basta aniya ang ginawa nilang trabaho dahil sa nasa matinding tensiyon ang dalawang panig habang isinasagawa ang pag-uusap.
Ang ansabing kasunduan ay sang-ayon sa kagustuhan ng dalawang panig.
Sa una aniya ay akala ng negotiating team na hindi na maisasakatuparan ang deal dahil sa tumindi ang tensiyon sa pagitan ng Israel at Hamas.
Umaasa ito na mapapayag nila ang dalawang panig na ipatupad ang permanenteng ceasefire.
Kasama ang Qatar ang Egypt na nanguna sa pagbuo ng kasunduan.
Magugunitang nagkasundo ang Hamas at Israel ng apat na araw na humanitarian tigil putukan para mapayagang makalaya ang nasa 50 bihag na mga bata at kababaihan sa Gaza.
Kasama rin sa kasunduan ang pagpapalaya sa 150 Palestinians na nakakulong sa Israel.
Ikinatuwa naman ng international leaders ang nasabing kasunduan kung saan sinabi ni US Secretary of State Antony Blinken na ito na ang simula ng magandang progreso kung saan hindi aniya magpapahinga ang US hanggang hindi lahat ng mga bihag ay napalaya.
Hindi rin magpapalipad ang US ng kanilang drone sa Gaza bilang pakikibahagi sa nasabing kasunduan.
Ayon naman kay United Nations Secretary-General António Guterres na sasamantalahin nila ang ilang araw na tigil putukan an dalhin lahat ang mga tulong sa Gaza.
Umaasa rin ito na pumayag na ang dalawang panig na magkaroon ng permanenteng tigil putukan.