-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang paghikayat ng mga opisyal ng Qatar at Egypt na muling palawigin ang ceasefire na ipinatupad.

Ito ay para madagdagan pa ang bilang ng mga mapapalayang bihag ng mga Hamas ganun din ang pagpasok ng mga humanitarian aide sa Gaza.

Tiniyak din ni Israeil Prime Minister Benjamin Netanyahu na patuloy ang kanilang paglaban hanggang sa huli.

Mula aniya ng magsimula ang labanan ay mayroon itong tatlong layunin na ang una ay mapalaya ang mga bihag, talunin ang Hamas at matiyak na ang Gaza ay hindi magiging banta ang Israel.