-- Advertisements --
Traditional jeep

Nilinaw ngayon ng Department of Transportation (DoTr) na puwede pa ring pumasada ang mga tradisyunal na jeep na hindi pa nakakapag-download at nakakapagprint ng kanilang QR code mula sa website ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay Engr. Alberto Suansing, DoTr road sector senior consultant, binigyan ng LTFRB ang mga jeepney drivers at operators nang hanggang Linggo na palugit sa paglalagay ng QR code.

Pero ayon kay Suansing, sa Lunes kapag wala pang QR code ay hindi na puwedeng bumiyahe ang mga jeep.

Paliwanag naman ni Suansing, ang desisyon ng LTFRB na ay dahil na rin sa naglolokong website nila kung saan puwedeng i-download at i-rint ang QR code.

Nagkaroon daw ng technical problem ang website ng LTFRB nitong mga nakaraang araw.

Kung maalala,  sa halip na kumuha ng special permit para makabiyahe ay i-download na lamang sa kanilang website ang kani-kanilang mga QR code saka iprint at ilagay sa kanilang mga sasakyan.

Nasa 6,002 unit ng tradisyunal na jeep ang pinayagan ng LTFRB na bumiyahe sa 49 na ruta sa Metro Manila simula ngayong araw.