-- Advertisements --
Pinabulaanan ni Kremlin spokesperson Dmitry Peskov na planong magdeklara si Russian President Vladimir Putin ng martial law.
Sinabi nito na nananatiling tahimik at mapayapa ang kalagayan ng pulitika sa kanilang bansa.
HIndi aniya nito nakikita na napapanahon ang deklarasyon ng Martial Law.
Nauna rito ay sinabi ni US Director of National Intelligence Avril Haines na dahil sa tila hindi nagtatagumpay ang Russia sa paglusob nito sa Ukraine ay malaki ang posibilidad na maideklara nito ang martial law.