-- Advertisements --
Biglang kumambyo si Russian President Vladimir Putin hinggil sa tunay na kalagayan ng Russia matapos lumobo ang kaso ng coronavirus case sa bansa.
Ito’y taliwas sa sinabi ng presidente noong nakaraang buwan na kontrolado ng kaniyang administrasyon ang coronavirus outbreak.
Ayon kay Putin, nagbabala na umano si Moscow Mayor Sergei Sobyanin na siya ring pinuno ng coronavirus task force na malayo pa ang Russia sa peak ng infection.
Sa ngayon ay nakapagtala na ng 21,000 kaso ng COVID-19 sa bansa habang 170 na ang namamatay dahil dito.
Kung matatandaan, naging kumpyansa si Putin noong nakaraang buwan na nakontrol ng mga otoridad ang pagkalat ng nakamamatay na virus.