-- Advertisements --
Nakatakdang pulungin ni Russian President Vladimir Putin ang mga ina ng mga reservist soldiers na tinawag para lumaban sa Ukraine.
Sinabi ni Kremlin spokesperson Dmitry Peskov na nais ni Putin na malinawan ang reklamo ng mga kaanak ng mga sundalo.
Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ito kung saan at kailang gagawin ang pagpupulong.
Magugunitang noong Setyembre ay inanunsiyo ni Putin ang mobilization ng 300,000 na sundalo na lumaban sa Urkraine.
Nitong Nobyembre 7 naman ay dinagdagan nito ng 50,000 ang bilang ng mga sundalo na kanilang ipapadala sa Ukraine.