-- Advertisements --
Pinasalamatan ni Russian President Vladimir Putin ang China dahil sa patuloy na pagpapakita ng suporta nito sa kanila.
Ito ang naging pagtitiyak ni Chinese senior diplomat Wang Yi, na hindi matitibag ng alinmang bansa ang mahigpit nilang samahan.
Ang pagbisita ni Wang ay isinagawa ilang araw bago ang anibersaryo ng paglusob ng Russia sa Ukraine.
Personal na inimbitahan din ni Putin si Chinese President Xi Jinping na bumisita sa kanilang bansa.
Magugunitang inakusahan ng US ang China na nagsusuplay ng mga armas sa Russia para lusubin ang Ukraine.