-- Advertisements --
Nakatakdang magtungo sa Iransi Russian President Vladimir Putin.
Pupulungin ni Putin sa darating na Hulyo 19 sina Iranian President Ebrahim Raisi at Turkish President Recep Tayyip Erdogan.
Sinabi ng tagapagsalita ni Putin na si Dmitry Peskov na unang pupulungin niya si Erdogan.
Isa sa tatalakayin ng opisyal ng Iran ay ang pagpapalawak ang samahan ng dalawang bansa.
Magugunitang inakusahan ng US ang Iran na magbibigay ito ng mga drones sa Russia para gamitin laban sa Ukraine.