Nanawagan si Russian President Vladimir Putin ng mapayapang negosasyon sa pagitan ng Israel at militanteng grupong Hamas.
Ito ay upang mapag-usapan ng dalawa ang pagkakaresolba sa kasalukuyang kagulugan, at maiwasang lumaki pa ang magiging epekto nito.
Ayon kay Putin, tiyak na magkakaroon ng epekto ang naturang kaguluhan sa ‘international situation’ kung napabayaan at lumaki pa.
Dahil dito, nakabubuti aniyang bumalik sa ‘negotiation process’ ang pamahalaan ng Israel at lider ng Hamas, at gamitin ang diplomasya sa halip na militar.
Sinabi rin ng Russian president na maaaring makatulong ang Russia upang mapanumbalik ang katahimikan sa naturang rehiyon.
Gayonpaman, naniniwala naman ang opisyal na anumang mediation o mamamagitan sa pagitan ng dalawa ay posibleng mahihirapan, dahil na rin sa bigat ng sitwasyon.
Una nang kinundena ni Putin ang mga karahasan sa pagitan ng dalawang panig nang magsimula ang naturang kaguluhan, habang ang ibang mga world leaders ay naghayag ng pagkondena sa ginawang pag-atake ng Hamas mga Israelis.