Nagbabala nanaman ng panibago si Russian President Vladimir Putin sa mga Western countries na mangingialam sa nangyayaring giyera sa Ukraine.
Sa speech ni Putin mula sa St. Petersburg, kaniyang sinabi na haharap sa isang “lightning-fast” military response ang mga bansang makikialam. Tinutukoy dito ni Putin ang ballistic missiles at nuclear arsenal ng Moscow.
Aniya, nais niyang ipabatid sa lahat na kanilang gagamitin ang lahat ng weapons kung kinakailangan.
Ang panibagong babala na ito ni Putin ay kasunod ng dumaraming military support para sa Ukraine sa nakalipas na mga araw.
Kamakailan, nangako si US Defense Secretary Lloyd Austin na kanilang gagawin ang lahat para matiyak na matalo ng Ukraine ang Russia.
Gayundin nag-anunsiyo ang Germany na magpapadala ito ng 50 anti-aircraft tanks sa ukraine.
Inaasahang magbibigay din ang UK ng fighter jets sa Ukraine.
Samanatala, nangako si Putin na tatapusin ang tinawag nitong special military operation para masakop ang itinuturing ng Moscow na teritoryo nito mula sa Ukraine.
Sinisi din ni putin ang mga bansang kasapit sa NATO at kanilang kaalyado sa pagpapalala ng kaguluhan sa Ukraine.