-- Advertisements --
Ipinagmalaki ni Russian President Vladimir Putin na nahihigitan na nila ang puwersa ng Ukraine.
Kasunod ito sa pagdagdag ng Ukraine ng kanilang counteroffensive unit sa ilang mga lugar.
Sa talumpati ni Putin sa Russia-Africa Summit sa St. Petersburg, sinabi nito na nagiging agresibo ang kanilang sundalo kaya nagkukumahog ngayon ang Ukraine para mabawi ang ilang mga lupain nila.
Nasa mahigit 26 na tanke umano ng Ukraine ang kanilang nasira dahil sa patuloy na sagupaan nila.
Magugunitang humirit si Ukraine President Volodomyr Zelensky ng mga airial assets sa US at mga kaalyadong bansa para tuluyang talunin nila ang Russia.