-- Advertisements --

Handang makipagtulungan ang Russia para maiwasan ang pangamba ng food crisis.

Sinabi ni Russian President Vladimir Putin, na mangyayari lamang ito kapag tanggalin na ng mga bansa ang ipinataw na sanctions sa kanila.

Itinuturing kasi ni Putin na politically-motivated ang pagpataw sa kanila ng economic sanctions matapos na atakihin nila ang Ukraine.

Kapag nangyari ito ay magiging ligtas ang paglayag ng mga barko ng Ukraine at kanila ring bubuksan ang humanitarian corridors.

Magugunitang maraming mga trigo sa Ukraine ang hindi makagalaw patungo sa ibang bansa matapos na harangin ng Russia ang kanilang daungan.