-- Advertisements --

Binigyan nang pagkilala o “honorary title” ni Russian President Vladimir Putin ang Russian troops o brigade na inaakusahang responsable sa”war of crimes” sa Ukraine at mass killings sa bayan ng Bucha.

Ang anunsyo ay ginawa sa ika-54 na araw ng Moscow’s military campaign sa Ukraine, kung saan libu-libo na ang napapatay at asa 12 milyong katao ang lumikas sa kanilang mga tahanan.

Nilagdaan ni Putin ang isang decree na nagbigay sa 64th Motor Rifle Brigade ng titulong “Guards” para sa pagtatanggol sa “inang bayan at interes ng estado” at pinuri ang “mass heroism” at tapang at tiyaga ng mga miyembro nito.

Magugunitang noong unang bahagi ng Abril, sinabi ng Ukrainian defense ministry na sinakop ng unit ang bayan sa labas ng kabisera ng Kyiv at gumawa ng “war crimes.”

Inilathala ng Intelligence Directorate ng Ukrainian defense ministry ang mga pangalan, ranggo at mga detalye ng pasaporte ng mga miyembro ng brigade, na nagsasabing mahaharap sila sa hustisya.

Karamihan sa mga napatay sa Bucha ay namatay dahil sa mga tama ng bala ng baril.

Matapos ang pag-alis ng mga Russian troops, natagpuang nakakalat sa mga lansangan ang mga bangkay ng mga lalaking nakasuot ng sibilyan kung saan ang ilan ay nakatali pa ang mga kamay.