ROXAS CITY – Isang puno ng marijuana ang natapuan ng isang BPAT member na mangangahoy sana sa liblib na lugar sa Barangay Dinginan, Roxas City.
Ayon kay BPAT member Arne Agusan na mangangahoy sana ito ng makita ang isang puno ng marijuana na itinanim sa kaldero na nagsilbing flower pot.
Nagduda ito na marijuana ang nasabing halaman, dahil malayo ito sa kabahayan at nasa bulubunduking bahagi ng iugar.
Ipinagbigay alam ni Agusan sa kanyang kasamahan at mga opisyales ng barangay ang nakitang marijuana na kaagad nagresponde.
Naniniwala ito na sinadya ang pagtanim at pagtago ng marijuana at posible na binibisita lamang.
Samantala ayon naman kay Police Master Sergeant Ramil Arcangeles na tatlong buwan pa lamang ang marijuana na bagong harvest ng makita ito dahil pawang malilit na dahon na lamang ang natira.
Sa ngayon ay nasa kostodiya ng Roxas City PNP ang puno ng marijuana at patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman ang nagmamay-ari nito.