-- Advertisements --

Nilinaw ng Negros Oriental Police Provincial Office na hindi magkaugnay ang mga naitalang insidente ng pamamaril sa Negros Oriental.

Inihayag ni Acting Director PCOL REYNALDO LIZARDO na nagkataon lang na magkasunod ang naitalang pamamaril.

Dagdag pa ni Lizardo na nirereview na nila ang mga nakaraang insidente kung paano ito malutas.

Nitong linggo lang nang pinakahuling naging biktima ng pamamaril ay isang guro na nakilalang si Sherwin Mananquil, 55 anyos at residente ng Tanjay City.

Agad din namang nahuli ang suspek sa hot pursuit operation makalipas ang ilang oras ng krimen dahil nakilala din ito ng biktima.

Dagdag pa ng opisyal na wala umanong kinalaman sa mga nakaraang shooting incident ang nangyari at nanawagan naman ito ng kapayapaan at kaayusan.
“Wala naman sigurong trend kumbaga, parang nagkataon lang yun na sunod-sunod. Kasi unang una hindi naman related eh. Dun sa unang incident is not related to the second shooting incident. At the same time, the second incident is also not related to the third incident. So ibig sabihin nagkataon lang na magkasunod yung insidente,” ani Lizardo.