Pulis sugatan sa pamamaril sa Pikit Cotabato
CENTRAL MINDANAO-Sugatan ang isang kasapi ng Philippine National Police (PNP) sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Patrolman Brian Singco,33 anyos,may asawa at nakatira sa Barangay Poblacion Pikit Cotabato.
Ayon kay Pikit Chief of Police Major Maxim Peralta na naka off duty at nag-aayos lang ng bakod ng kanilang bahay si Singco nang pagbabarilin ito ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang mga salarin lulan ng motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Pikit.
Dinala ang biktima sa Cruzado Medical Hospital ngunit agad itong inilipat sa isang pagamutan sa Kidapawan City.
Nagtamo ng dalawang tamas a katawan si Singco at nasa maselang kondisyon.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ang Pikit MPS sa pamamaril sa kanilang kasamahan.