-- Advertisements --

Patay ang isang pulis matapos tambangan sa Las Piñas City, Martes ng umaga.


Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Las Piñas City Police sakay ng motorsiklo ang biktima pauwi na sa kaniyang bahay nang paulanan ito ng bala ng dalawang hindi pa nakikilang salarin sa may bahagi ng Villareal Street, Manuyo Uno.

Naisugod pa ng ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival ng attending physician dahil sa tama ng mga bala ng baril sa katawan.

Nakilala ang biktima na si Police Staff Sergeant Julius Sayasa Fabre, 39-anyos ay naka-assigned sa Southern Police District.


Bumibili ng chicken feeds sa isang supply store si Fabre sa may bahagi ng Padre Diego Sierra Street bandang alas- 7:45 a.m. ng pagbabarilin ng dalawang armadong katao na sakay sa puting Ford Everest.

Patuloy ang imbestigasyon ng PNP hinggil sa insidente.