Sinibak na sa puwesto ang isang pulis ng Maynila matapos ang pagmamaneho ng motorsiklo ng walang suot ng helmet.
Ayon sa Manila Police District, na agad nilang inalis ang pulis matapos ang pagkalat ng video.
Nangyari ang insidente nitong Hunyo 19 sa kanto ng Lacson Avenue at Dapitan Street sa Sampaloc, Manila.
Magugunitang unang sinita ng babaeng traffic enforcer ang driver dahil sa pagmamaneho ng walang helmet.
Hindi na ibinigay ng driver ang kaniyang lisensiya at sa halip ay ipinakita ang MPD logo ng kaniyang basketball jersey.
Kinamayan ito ng traffic enforcer at hindi na hinuli.
Kinumpirma ng MPD na pulis nila ito na may ranggong police staff sergeant na nakatalaga sa Meisic Police Station 11.
Kinondina ni National Police Commission Vice Chairman at Executive Officer Rafael Calinisan ang insidente tiniyak na papanagutin ang pulis.
















