-- Advertisements --

LAOAG CITY – Nagpapagaling na ngayon ang isang pulis matapos ang nangyaring aksidente sa Barangay Bacsil sa bayan ng Paoay.

Ayon kay Maj. Eddie Suyat, ang hepe ng PNP-Paoay, isang police senior master seargent ang biktima ng aksidente kung saan ay nagtamo ng sugat matapos bumaligtad ang kotse nito.

Sa imbestigasyon ng PNP, galing umano sa security survey sa Brgy. Nagbacalan ang pulis at nang pabalik na sa kanilang himpilan ay may biglang dumaang aso.

Dahil dito, iniwasan umano ng pulis ang aso ngunit nawalan ng kontrol sa manibela ng kotse dahilan para dumiretso at bumaligtad hanggang sa bumangga pa sa bakod ng isang bahay.

Samantala, may ilan namang motorsiklo ang inararo ng kotse ng pulis kung saan nasira ang mga ito.

Sa ngayon ay hindi pa makumpirma ng mga pulis kung lasing ang kanilang kasamahan habang nagmamaneho.