-- Advertisements --

Hindi sumipot sa preliminary investigation ang pulis na ti-nag bilang pangunahing suspek sa pagkawala ng beuaty queen na si Catherine Camilon.

Ayon sa legal counsel ng prime suspect na si Atty. Ferdinand Benitez, hindi umano aniya nakadalo si Police Major Allan de Castro sa pagdinig sa kaso sa Batangas city Hall of Justice dahil ito’y nilalagnat subalit nakapaghain na sila ng counter affidavit.

Paliwanag pa nito na hindi naman aniya required ang kniyang kliyente na pumunat kundi tanging ang mga magsusumite lamang aniya ng naturang affidavit.

Aniya, isasagawa ang sunod na preliminary investigation sa Enero 17.

Matatandaan na una ng kinasuhan si De Castro at ang driver-bodyguard nito na si Jeffrey Magpantay at 2 pang John Does ng kidnapping at serious illegal detention complaints.