-- Advertisements --
Nahaharap na sa kasong homicide ang pulis na nakabaril-patay sa dating sundalo na si Winston Ragos sa Quezon City.
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) chief B/Gen. Ronnie Montejo, kaninang umaga naihain ang reklamo laban kay P/Msgt. Daniel Florendo Jr.
Matatandaang naging trending sa internet ang video ng pagkakapatay ni Florendo kay Ragos at naging sentro pa ng pagtatalo kung “justified” ang dahilan ng pulis na “self defense” ang ginawa nito sa isang dating sundalo na may problema sa pag-iisip.
Apela ni Montejo, ipaubaya na lang sa piskalya ang pagtingin sa kaso.
Isasailalim naman sa psychosocial debriefing ang ilang nakasaksi sa pangyayari.