Patay sa pamamaril ang isang pulis na miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa may Barangay Caniogan, Pasig City bandang alas-11:45 kagabi.
Nakilala ang biktima na si Manuel Melendrez alias Buboy, 48-anyos.
Batay sa inisyal na imbestigasyon kararating lamang ng biktima kasama ang misis na si Shirley mula sa palengke sakay sa isang itim na Starex van at ng buksan na ang pinto ng sasakyan bigla na lamang siyang pinaulanan ng bala.
Kaagad namang rumiponde ang mga pulis at dinala sa Tri City Medical center ang biktima pero idiniklarang dead on arrival ng attending physician.
Ayon sa report M16 ang ginamit na armas para patayin ang biktima.
Si Melendrez ay naka-assign sa CIDG-NCR.
Batay sa ulat, may record na rin si Melendrez na nahuli dahil sa kasong illegal drugs.