-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Natapos man sa hindi inaasahang pagkakataon ang buhay ni Pol. M/Sgt Jason Magno, nananatili ang kanyang kabayanihan na uukit sa puso’t isipan ng mga tao.
Ito’y matapos ikinonsiderang bayani si Magno dahil sa pagsakrispyo ng kanyang sarili upang maiwasan na mas marami pang buhay ang malagas sa pinasabog na granada ng isang lalaki sa Initao College sa Misamis Oriental kahapon.
Buhos ang pagbati ng mga netizen sa social media sa ipinakitang tapang ng naturang pulis, at maging ang kanyang mga kasamahan sa trabaho ang nagsabing mabuting tao at may dedikasyon sa trabaho si Master Sgt Magno.
Sinabi ni Misamis Oriental Police Provincial Director Col. Roy Bahian na bibigyan nila ng pagkikila ang kabayanihan ng kanilang kabaro.