-- Advertisements --
Screenshot 2020 08 01 10 19 58

CAGAYAN DE ORO CITY – Naniniwala ang pulisya na may kaugnayan sa kaniyang trabaho ang motibo sa pagpatay ng isang police officer sa may Marantao-Marawi City, Lanao del Sur.

Kinilala ni Lanao del Sur Provincial Police Office director Col Madzghani Mukaram ang biktima na si Police Staff Sgt Alikman Sangcopan, 46-anyos, may asawa at nadestino sa Marantao Police Station sa nasabing lugar.

Ayon kay Mukaram, binaril ang biktima habang nakasakay ng kaniyang motorsiklo patungong trabaho.

Dalawang beses na tinamaan sa kaniyang ulo ang biktima na siyang dahilan ng kaniyang agarang pagkamatay.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang motibo ng krimen at kung sino ang suspek nito.