DAVAO CITY – Sa kulungan ang bagsak ng isang pulis matapos na mahuli sa akto nang bentahan ng shabu ang kapwa pulis na nagpanggap bilang buyer.

Kinilala ang suspect na si Police Senior Master Sergeant Sheila Latugo Bande, 43-anyos, nakatira sa Blk 5, Lot 1 Loise St. Victoria Valley, Tigatto, lungsod ng Davao at kasalukuyang naka-distino sa Philippine Bomb Data Center (PBDC).

-- Advertisement --

Batay sa ulat, naaresto si Bande sa isinagawang Oplan Big Bertha (Anti Illegal Drug Operation)- Follow up Operation alas 10 kaninang umaga sa naturang lugar.

Nakumpiska sa kanya ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu, isang P1,000 bill na nagsilbing buy-bust money, at isang black case.

Halos dalawang gramo ang bigat ng shabu na nakumpiska mula sa suspect na may tinatayang street value na Php20,000.