-- Advertisements --
pulis 1

GENERAL SANTOS CITY – Nananatili sa ngayon sa kustudiya ng pulisya ang isang dating pulis matapos maaresto dahil sa mga baril na walang kaukulang dokumento.

Ayon kay Police Col. Allan Ladra, regional chief ng Highway Patrol Group Region 12 (HPG-12), nangyari ito ng kanilang ginagawa ang checkpoint kasama ang pulisya sa national nighway, Barangay Apopong sa General Santos City.

Ang mga naaresto ay sina Police Staff Sgt. Abdul Gani Mapandi Macapadala, 36-anyos na na-assign sa Esperanza Municipal Police Station sa Sultan Kudarat Police Provincial Office at residente ng Purok Masagana, Kalawag II, Isulan, Sultan Kudarat.

Ang isang naaresto ay nakilala na si dating P01 Warden Lagawan na residente ng President Quirino, Sultan Kudarat.
Sa isinagawang plain view sa sinasakyang Toyota Vios color white ng mga ito na may temporary plate A9 C408 nakita ang maraming mga baril at bala.

Ang mga nakumpiskang mga baril ay kinabibilangan isang unit ng 9mm glock pistol na may magazine at 21 ang mga bala, isang unit ng 9mm dessert eagle 9mm pistol at mga bala.

Nakumpiska rin ang isang unit ng caliber 45 compact cult defender na may anim na bala.

Nakuha rin sa kustudiya ng dalawa ang limang units ng M16 rifles, 44 piraso ng long steel magazine ng caliber m16 rifle at limang steel box na ang bawat kahon ay may 1,000 rounds ng bala ng M16 rifle.

Sa ngayon ay inaasikaso na ang reklamo laban sa dalawa sa bayolasyon ng Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms and Unlawful Possession of Ammunitions.