-- Advertisements --

Opisyal nang sinibak sa kaniyang pwesto bilang hepe ng Puerto Princesa City Police Office si PCol. Cristine Tabdi kasunod nang naging shooting incident sa lugar.

Nakasaad sa relief order mula sa National Headquarters na siyang nilagdaan ni Directorate for Personnel and Records Director PMGen. Constancio Chinayog Jr., na ang naging termination kay Tabdi ay epektibo nitong Sabado, Abril 4.

Samantala, nakasaad din sa relief order na nakatakda na italaga blang acting chief ng PPCPO si PCol. Dennis De Leon.

Patuloy naman ang ikinakasang imbestigasyon sa insidente na siyang naging dahilan ng pagkasawi ng dalawang pulis at isang Bureau of Corrections (BuCor) personnel.