-- Advertisements --
Percy Lapid

Kumpiyansa ang Publisher Association of the Philippines Incorporated (PAPI) na magtuloy-tuloy ang development sa kaso ng beteranong brodkaster na si Percy Lapid upang lubusang makamit ng pamilya ang hustisya sa kanyang pagkamatay.

Ayon kay Mr. Johnny Dayang, chairman ng PAPI, malaking tulong ang pagsampa ng kaso sa mga sangkot sa krimen lalo na sa mga itinuturong mastermind na sina Director General Gerald Bantag, ang suspendidong hepe ng Bureau of Corrections (Bucor) at Senior Superintendent Ricardo Zulueta kasama ang ilang persons with deprived of liberty (PDL).

Aniya, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa posibilidad na mayroon pang mga makapangyarihang mastermind maliban kay Bantag.