Umaasa si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na tutupadin ng Department of Transportation ang kanilang pangako na paplantsahin muna nito ang gusot sa AF Payments Inc. (AFPI) ukol sa beep cards.
Sapat naman kasi aniya ang pondo ng gobyerno upang i-subsidize ang stored value cards o beep cards na gagamitin ng mga pasahero sa EDSA Busway.
Hirit ni Recto dapat gawing libre ang mga beep cards bilang tulong na rin sa mga manggagawang Pilipino.
Kung sakali man daw na kailangan talagang bilhin ang mga beep cards, maaari umanong gamitin ng DOTr ang nasa P20.71 billion na ibinalik nito sa gobyerno para sa COVID-19 response ng bansa.
Sa presyong P80 bawat card ay aabot ng P80 million pesos ang babayaran ng gobyerno kung saan tinatayang 500,000 pasahero ang sumasakay sa bus araw-araw ay posibleng bumaba pa ang nasabing presyo ng hanggang P40 million.
Pinangako naman ni Tugada sa harapan ng Senate finance subcommittee na kanilang sisipatin at sisilipin kung kaya nilang gawingh libre ang beep cards.










