Pansamantalang sususpendihin ng Archdiocese of Manila ang lahat ng mga public religious activities mula Agosto 3 hanggang 14.
Base sa pastoral instruction na inilabas ni Bishop Broderick Pabillo kahapon, Agosto 1, 2020, ang hakbang na ito ay kanilang tugon sa panawagan ng mga health workers na isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang buong Metro Manila dahil sa pagsirit ng mga COVID-19 cases.
“All churches and shrines under the Archdiocese of Manila will revert to the period of the [enhanced community quarantine] ECQ protocols,” ani Pabillo.
Pero nilinaw naman nito na hindi ihihinto ang mga religious activities na isinasagawa online.
Sinabi ni Pabillo na gagamitin nila ang pagkakataon na ito para i-evaluate ang tugon ng simbahan sa pandemya at kung sa anong paraan nila mapapabuti ang mga ito.
Kahapon, ilang medical groups ang umapela sa pamahalaan na isailalim ang Metro Manila sa ECQ status sa loob ng dalawang linggo.
Ito ay para anila mabigyan naman ng pagkakataon na ma-recalibrate ang COVID-19 strategies ng pamahalaan.










