-- Advertisements --
ILOILO CITY – Isinailalim sa granular lockdown ang public market ng Lambunao,Iloilo matapos makapagtala ng mahigit sa 20 kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Vice Mayor Arvin Losaria, sinabi nitong Agosto 11 nang isinailalim sa reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test ang 44 mga indibidwal at lumabas na 21 ang nagpositibo sa virus na pawang mga vendors.
Ayon sa bise alkalde, posibleng sa susunod na linggo pa muling magbubukas ang kanilang public market.
Sa ngayon, mayroong 215 na mga active cases ang bayan ng Lambunao, kung saan 159 ang naka home quarantine, 29 ang naka facility quarantine at 18 ang admitted sa ospital.