-- Advertisements --

Hiniling ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones sa World Bank na mag-public apology kasunod ng report na nagpapakita ng mahinang performance ng mga Pilipinong mag-aaral.

Sinabi ni Briones na ininsulto at pinahiya ng World Bank ang Pilipinas sa report na inilabas nito.

Lumang luma na kasi ang datos na pinagbasehan ng World Bamnk sa report nito, ayon kay Briones.

Bagama’t personal na humingi ng paumanhin ang World Bank sa kanya, sinabi ni Briones na kailangan gawin itong public appology lalo pa at buong bansa ang apektado sa naturang report.

Sa naturang report ng World Bank, nakasaad na mahina ang performance ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral dahil 80 percent sa kanila ay hindi pasok sa minimum levels ng inaasahan na proficiency.

Ibinase ang report na ito sa tatlong assessments sa bansa kabilang na ang Program for International Student Assessment noong 2018, ang Trends in International Mathematics and Science Study noong 2019, at ang Southeast Asia Primary Learning Metrics noon ding 2019.