Ibinunyag ni Philippine Statistics Authority XI Baby Jean Alid na nasa 400, 000 na ka mga Pilipino ang kasalukuyang biniberipika ng kanilang ahensya para sa posibleng deduplication ng kanilang mga National ID.
Ipinaliwanag niya na ang deduplication ay bahagi ng 8 proseso ng paglikha ng national ID kung saan ang data o impormasyong nakolekta mula sa indibidwal, ay kailangang isailalim sa deduplication o pagsuri kung ito ay may parehong pangalan o biomentrics.
Ayon kay Alid na posibleng nasa “deduplication” ang mga indibidwal kung bakit hindi pa nila natatanggap ang kanilang National ID habang ang mga indibidwal na nakatanggap ng digital ay hindi temporary dahil isa itong pro-active strategy sa PSA na ginagamit bilang Physical National ID.
Ipinaliwanag ng opisyal na mayroong dalawang uri ng National ID – Physical at Digital. May tatlong bersyon din ang nasabing ID – ang EPhilId, ang ibinigay na papel na ID, at nada-download. Sa ngayon, plano ng PSA na gagawa ng “Application Based Mobile”. Samantala mula noong Enero 27 ng taong ito, umabot na sa 76.2 milyon ang nakarehistro sa PhilSys sa Pilipinas.










