-- Advertisements --

Nakaranas ng “technical difficulties” ang website ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa unang araw ng online registration para sa National ID.

Sa isang advisory, sinabi ng ahensya na sinisikap ng kanilang team na resolbahin ang issue na ito sa lalong madaling panahon.

Kasabay nito ay humihingi ng paumanhin ang ahensya sa abala na idinulot ng technical difficulties na nangyari.

Nauna nang sinabi ng National Economic Development Authority (NEDA) na kokolektahin sa online system ang demographic information ng mga aplikante para sa National ID.

Noong 2018 nang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at naging ganap na batas ang proposed national identification system.