Iniimbestigahan na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang data leak mula sa isa nilang systems.
Kasunod ito ng pagbunyag ng isang grupo na kanilang na-hack ang ilang computer system ng PSA.
Inilabas kasi ng grupong Deep Web Konek na mayroong nakuhang 42 bilyon na files mula sa PSA ng grupong Diablox Phantom.
Ayon naman sa PSA na ang tanging
naapektuhan ay ang Community based Monitoring System (CBMS).
Ang CBMS ay bahagi ng data gathering system sa local local level para sa mga proyekto ng gobyerno gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Nakipagtulungan na ang PSA sa mga ahensiya gaya sa National Privacy Commission , National Computer Emergency Response Team-Philippines (NCERT-PH) ng the Department of Information and Communications Technology (DICT), at the Anti- Cybercrime Group of the Philippine National Police (PNP).