-- Advertisements --

Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na nasa maayos na kalagayan at estado ang ama nitong si dating pangulo Rodrigo Duterte na kasalukuyang nananatili sa hospital wing ng detention center ng International Criminal Court (ICC).

Ayon sa pangalawang pangulo, nanatiling nasa ‘good spirits’ ang dating pangulo at naaalagaan naman aniyang mabuti ang ama sa loob ng detention.

Kwento pa ng Bise, nagkomento aniya si PRRD na namimiss na nito ang pagkain ng mga filipino cuisines at magandang development din aniya na nagkaroon na ng rice meal sa pagkain ng dating pangulo.

Samantala, napagusapan din umano nilang mag-ama ang tungkol sa legal team nito para sa pagdinig sa ICC, tungkol sa kanilang pamilya at maging ang kasalukuyang kalagayan ng bansa.

Nagtagal din ng halos isang oras ang naging pagbisita ng Pangalawang Pangulo sa kaniyang ama sa loob ng detention center na nagumpisa ng 4:00pm at natapos din ng 5:00pm ng hapon oras sa Netherlands.