CENTRAL MINDANAO – Naghigpit pa ng seguridad ang militar at pulisya sa Cotabato para sa nakatakdang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.

Tutungo ang pangulo sa bayan ng Pigcawayan sa nasabing probinsya kasama ang ilan sa kanyang gabinete.

Ito ay para mamigay ng tulong sa mga magsasaka katuwang si Agriculture Secretary William Dar, Senador “Bong” Go, Mindanao Development Authority Chair Manny Piñol at mga lokal na opisyal sa Cotabato.

Kamakailan lang nang bumisita rin ang Presidente sa M’lang, kung saan namahagi ito ng pagkain at tulong sa mga biktima sa sunod-sunod na pagyanig ng lindol.