Pinatitiyak ni House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda ang mahigpit na pagsunod sa health standards kasabay ng kanyang panawagan na payagan nang makabaiyhe ulit ang mga provincial buses.

Mas makabubuti aniyang alisin na ang provincial bus bans sapagkat pinapahintulutan na rin naman sa ngayon ng mga lokal na pamahalaan ang paglabas at pagpasok ng mga sasakyan sa Metro Manila, gayundin ang pagbalik nang operasyon ng ilang bus lines.

“A continuation of provincial bus bans, at this point, would have very little utility as far as preventing infections is concerned, and great damage to the mobility of people who have to go to work,” ani Salceda.

Binigyan diin ng kongresista na hindi makaka-recover ng husto ang ekonomiya ng bansa hanggang sa hindi operational ang transportasyon dahil patuloy na mahihirapan ang publiko, na aniya’y “driving force of the economy”.

Mahalaga rin aniya ito upang sa gayon ay gumana at maging epektibo ang pagpapatupad ng economic stimulus plan na kanyang pangunahing iniakda.

“If they’re stuck in the provinces or in Manila, away from where they usually create value, the stimulus will face serious roadblocks,” dagdag pa nito.

Pinaalalahanan naman si Salceda sa regulatory at business sector na huwag magsamantala sa presyo ng pamasaheng sinisingil sa mga mananakay matapos na limitahan ng pamahalaan ang kapasidad ng pampublikong sasakyan.

Kasabay nito ay inirerekominda niya na magkaroon ng programa ang pamahalaan na makapag-operate ang mga provincial buses na hindi naman palugi pero hindi rin maisasakripisyo ang kaligtasan at kalusugan ng mga mananakay.

“My office is backed by a coalition of transport advocates and stakeholders, so if there is unfair activity on the ground, we will know, and we will act upon them.”