-- Advertisements --

Libu-libong tao sa mga lungsod ng Russia ang patuloy na nagsasagawa ng rally para suportahan ang nakakulong na pinuno ng oposisyon na si Alexey Navalny.

Hiling ng mga supporters ni Navalny na palayain ang nagugutom na kritiko ng Kremlin at payagang makatanggap ng independent medical care.

Nasa 500,000 mga nagpo-protesta ang napigilan umano ng mga Russian security forces.

Nagmula sa Moscow, St. Petersburg ang may pinakamaraming nagprotesta na supporters ni Navalny.

Tiwala naman ang team ni Navalny na mako-comply nila ang requirements nalalabas ang katotohanan at sila ang mananalo.

Nangyari ang nationwide protest kasabay sa araw na nagsagawa ng kaniyang annual address si Russian President Vladimir Putin kung saan binalaan niya ang mga dayuhang makapangyarihan na huwag tumawid sa red lines ng Moscow habang hindi naman binanggit nito ang tungkol kay Navalny