-- Advertisements --

Target ng Kamara na maaprubahan ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon bago ang deadline ng Comelec sa paghahain ng Certificate of Candidacy para sa halalan sa susunod na taon.

Sinabi ni House Majority Leader Martin Romualdez, karamihan sa mga nakapaloob sa proposed P5.024-trillion na pambansang pondo sa susunod na taon ang mga hakbang para sa COVID-19 pandemic response.

Dahil sa banta ng COVID-19, sinabi ni Romualdez na gagamit pa rin sila ng video conferencing upang sa gayon ay maging mabilis ang trabaho nilang mga mambabatas.

Bukod sa pambansang pondo, kasama rin sa agenda ng Kamara sa pagpapatuloy ng sesyon ang mga isinusulong na reporma sa ekonomiya at ang Bayanihan 3 bill.

Uunahin din aniya nila ang pag-apruba sa limang panukalang batas na tinukoy ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC): ang panukalang Philippine Virology Institute Act, Center for Disease Control Act, mga amyenda sa Continuing Professional

Development Act of 2016, Bureau of Immigration Modernization Act, at National Housing Development Act.